Mga matataas na armas at pampasabog, nakumpiska sa compound ng INC

Ipinakita ang mga Quezon City Police District sa media ang mga nakumpiskang matataas na kalibre ng baril, bala at mga explosive devices sa Zone 36 sa compound na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo sa Tandang Sora, New Era, Quezon City.

Ito ay katabi ng building kung saan nakatira ang naarestong si Angel Manalo, isang tiwalag na INC member,

Sa pangunguna ng QCPD Station 3, narekober ang limamput anim na mahahabang armas, labing walong maiikling baril, anim na put siyam na rifle granade, dalawaput pitong hand grenade at 17,943 bala.

Ito ay kasunod ng mga nakuhang armas sa inaming tinitirhang bahay ni Angel Manalo noong March 2.

Ayon kay NCRPO Dir. Gen. Oscar Albayalde, voluntarily surrendered ang mga naturang armas nang bigyan ng permiso ng INC ang pulisya na magsagawa ng search operations dahil sa hinalang may mga kontrabando ang naturang abandonadong lugar.

Aniya pa, hindi ito kabilang sa inihaing search warrant noong March 2 sa bahay ni Manalo.

Hindi pa aniya sigurado kung rehistrado o hindi ang mga nasabat na armas kung kaya’t hindi pa tiyak kung sinu-sino ang nagmamay-ari at magiging responsable dito.

Samantala, 3 miyermbro ng INC ang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms na non-bailable kay Angel Manalo at bailable naman kay Jem Manalo habang direct assault with frustrated murder naman laban kay Jonathan Ledesma.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento