Dalawang kotong-cops, nasampulan ng counter-intelligence task force ng PNP

Dalawang pulis Maynila ang naaresto ng binuong counter-intel task force ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng isinusulong na internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Ayon kay CITF director, Col. Chiquito Malayo, natimbog sa ikinasang police operations sina SPO1 Rodito Magluyan at PO3 Roel Candelario.

Agad dinala sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang dalawang pulis para pormal na masampahan ng kaso.

Sa ngayon, ayon kay Malayo, umaabot na umano sa 1,281 na mga SMS o text messages ang natanggap nilang reklamo laban sa mga “police scalawags”.

Ang mga reklamo ay kinabibilangan ng pangongotong, kidnapping at maging mga puis na sangkot umano sa ilegal na droga.

Tiniyak naman ni Malayo na lahat ng sumbong ay sumasailalim muna sa masusing validation bago sila gumawa ng hakbang.

Patuloy naman ang panghihikayat ng PNP sa publiko na magsumbong sa kanilang hotlines na 09989702286 at 09957952569.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento