Kumpiyansa ang pamahalaan na mahihirapan ang sinuman na magtatangkang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ng palasyo sa ulat na may niluluto umanong ouster plot sina dating U.S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, dating Pangulong Fidel Ramos at Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, napakataas ng tiwala ng mga Pinoy sa pangulo.
Hindi maikakaila ayon kay Abella na natutuwa ang nakararaming filipino sa performance ng pangulong Duterte.
Dagdag pa ng opisyal, kung may gumagapang man para sa pagpapabagsak sa poder kontra sa president ay hindi magiging madali ito para sa mga nagtatangka.
Bahagi umano ng plano ay ang gamitin ang oposisyon bilang channel ng anumang aksyon upang mapahina ang administrasyon.
0 Mga Komento