Kahit bahagyang dumausdos ang trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagpapasalamat pa rin ang Palasyo ng MalacaƱang sa patuloy na pagtitiwala ng taong bayan sa Chief Executive.
Base sa 4th quarter survey ng Social Weather Stations, nasa positive 72 na lamang ang nakuha ng pangulo o apat na puntos na mas mababa sa positive 76 na nakuha noong Setyembre.
Gayunman, nasa kategoryang excellent trust rating pa rin ang pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, testamento ito sa patuloy na pagtitiwala ng taong bayan na lalabanan ni Pangulong Duterte ang problema sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsyon.
“We thank the Filipino people for their continued trust on the President. Net public confidence in the President stays excellent at +72 during the Fourth Quarter. It is noteworthy to mention that the President’s net trust rating has been excellent for three consecutive quarters, namely, days before his inauguration on June 30, last September, and now December,” pahayag ni Andanar.
Sinabi pa ni Andanar na nagsisilbing inspirasyon sa administrasyong Duterte ang panibagong SWS survey para pag-igihan pa ang trabaho.
“The result of the SWS survey was a testament that our people continue to stand shoulder-to-shoulder with the President’s agenda of getting rid the society of illegal dru*gs, crime, and corruption. This gives him and members of his team to pursue with greater resolve the Administration’s goal of a Philippines free from the dru*g scourge, crime incidents, and malfeasance in public service,” dagdag pa ni Andanar.
0 Mga Komento