Kasabay ng pagtatapos ng taon, tiniyak ng Department of Labor and Employment na unti-unti nang napagtatagumpayan ng ahensya ang kanilang laban kontra ENDO.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kagaya ng una na nilang ipinangako noong kapapasok pa lamang ng kasalukuyang administrasyon, ngayong taon ay mararamdaman na ang pagbaba ng bilang ng mga kumpanyang tumatangkilik sa ENDO.
Base sa year end report na inilabas ng ahensya, nasa 38,437 na ang mga manggagawa na na-regular sa kanilang trabaho.
Ilan anila sa mga kumpanyang tinutukan ng ahensya ay ang SM,
Rustan’s, at 7 11.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang ahensya sa mga kumpanya na kusang ni-regular ang kanilang mga kontrakwal na empleyado.
Ayon sa kalihim, hindi mawawala ang kanilang layunin na tapusin ang ENDO at iligal na kontrakwalisasyon at mas lalo pa nila itong isusulong sa susunod na taon.
0 Mga Komento