“Ang kunek ng pag-ihi at kasinungalingan”

Tama lang na i-cite in contempt si Ronnie Dayan.

He is lying.

Senator Manny Pacquiao’s point makes a lot of sense and founded ok common sense. Ang layo-layo nga naman ng Albuera, Leyte may kontak siya kay Kerwin Espinosa pero sa mga ibang involved sa dr*ugs lalo na sa National Bilibid Prisons, wala daw siyang tinatanggap.

“Kay Kerwin ka lang tumanggap ng pera?”–paulit-ulit, Sen. Pacquiao is on the right track.

Natatawa lang ako na walang nag-point out na inamin niya na siya ang nagrekomenda kay then Sec. Leila De Lima kina Bucayu at Ragos, who by the way, have written affidavit and verbal testimonies narrating accounts on money delivered to De Lima.

The connection is quite telling.

May explanation bakit yung pagtanggap lang kay Kerwin ang inaamin ni Dayan. Kasi eight million pesos lang yun. He is protecting the bigger collection made as early as 2013, yung quota money from the dr*ug lords inside Bilibid Prisons. May Mas malaking pera pinagtatakpan. A source told me about accounts related to this elaborate attempt to focus just on protection money from Kerwin. But the source has no personality to talk on record about these accounts. May Bank Secrecy Law pa on top of that.

Dayan appears to be a man with limited capacity to lie and sustain a script intended not just for his defense but to protect the real issue from the very beginning: the proliferation of the illegal dr*ugs trade inside the NBP. Ang pangalan ni Kerwin ay sanga lamang ng main trunk ng operasyon ng illegal dr*ugs operated by inmates from the Maximum Security Compound.

Yung sanga binabakbakan na in a way ay nakatutulong tuloy sa kasinungalingan ni Dayan.

The questions are focused on Kerwin’s operation. Sa layer ng dr*ugs trade, lumalabas na local dr*ug distributor lang siya. There are others operating that enjoy bigger scope. Are they still operating now?–that is the question.

Sa hearing, maraming tanong na patapon. May mga tanong na tumbok, wala lang follow-up. Nasisimulan nang mahayag yung kuwento pero walang follow-up.

Sa hearing, Ilang beses na nanghingi ng CR break Sina Dayan at Kerwin.

Sabi ni Senator Panfilo Lacson, “bakit yung mga nagsisinungaling, laging ihi ng ihi?”

I agree.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento