Pinagbibitiw ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga miyembro ng gabinete na kritiko o ayaw sa mga desisyon at polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kasunod ng resignation ni Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Hamon ng lider ng Kamara sa aniya’y mga kapit-tuko na mga cabinet members, kung ayaw sumang-ayon sa ehekutibo ay kumalas na lamang sa administrasyon.
Hindi rin aniya rason ang pagkakaroon ng fixed term ng ilang mga opisyal, para tumutol sa pangulo.
Paalala ni Alvarez, ‘alter ego’ ni Duterte ang mga cabinet official kaya hindi nila dapat sinasalungat ang mga pasya at plano ng pangulo.
Bagama’t may kalayaan ang mga miyembro ng gabinete na magsabi ng suhestyon o opinyon, ibang usapan pa rin aniya ang tahasang pagkontra sa presidente tulad ng ginawa ni Robredo.
0 Mga Komento