Dalawang CHED Commissioner, Naghain ng Courtesy Resignation

Naghain na ng courtesy resignation sa Office of the President ang dalawang commissioner ng Commission on Higher Education.

Ito ay sina CHED commissioners Alex Brillantes Jr. at Minella Alarcon.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni CHED Executive Director Julito Vitriol na hinihintay na lang ang magiging aksyon ng Office of the President kung saan ang CHED ay isa sa mga attached agency.

Dagdag ni Atty. Vitriolo, ang pangatlong appointee ni dating Pangulong Benigno Aquino III na si Commissioner Ruperto Sangalang ay natapos na ang termino noon pang Hulyo pero nasa hold over capacity lamang ito ngayon o nananatili pa sa pwesto hanggat wala pang naitatalaga ang Office of the President na kapalitan nito.

 Tanging si CHED Chairperson Patricia Licuanan na lang ang di pa nagsusumite ng courtesy resignation bilang pagtalima sa memorandum circular number 4 ni Pangulong Duterte na nilagdaan noon pang August 22.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento