“Engaging and animated.”Ganito inilarawan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang naging pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President-elect Donald Trump sa telepono.
Ayon kay Go, naging kahali-halina at buhay na buhay ang naging pag-uusap ng dalawa sa congratulatory call ni Duterte.
Sa litratong ibinahagi ni Go sa kaniyang Facebook account, makikita ang pangulo na nakaupo sa harap ng kaniyang mesa habang nagbabasa ng mga dokumento at nakikipag-usap kay Trump sa telepono.
Ganap na alas-10:30 ng gabi nag-usap ang dalawang pangulo, na tumagal naman ng pitong minuto at 20 segundo.
Kwento pa ni Go, inimbitahan ni Trump si Duterte na bumisita sa White House sa susunod na taon, habang inimbita naman ni Duterte si Trump na dumalo sa 2017 ASEAN Summit na gaganapin dito sa bansa.
Matatandaang una nang sinabi ni Duterte na nasasabik siyang makatrabaho si Trump at na naniniwala siyang madali silang magkakasundo nito.
0 Mga Komento