Nagpasaklolo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado at Kamara para sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Ito ay matapos pulungin ng pangulo ang mga mambabatas sa Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting kagabi sa Malakanyang.
Sa naturang pagpupulong, binigyan ng pangulo sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ng tig-isang kopya ng hawak niyang validated na listahan ng mga dr*ug personalities sa bansa.
Una Dito, mariin ang pagsusulong ng pangulo na ibalik ang death penalty law sa mga sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.
Ayon naman kay Presidential Legislative Liaison Office o PLLO Sec. Adelino Sitoy, nakatakda pa sa December 5 ang executive committee meeting ng Ledac kung saan ilalatag ang mga priority bills na dapat isulong sa Kamara at Senado.
0 Mga Komento