Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti Money Laundering Council (AMLC) dahil sa hindi pakikipagtulungan ng mga ito sa Department of Justice.
Sa kanyang talumpati sa ika-80 anibersayo ng National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng pangulo na iniulat sa kanya ng kalihim ng DOJ na hirap ang mga itong makakuha ng mga dokumento sa Anti Money Laundering Council.
Dahil dito, sinabi ni Duterte na mas mabuting ang mga tauhan na ng AMLC ang magtungo sa DOJ kaysa siya mismo ang magpatawag dito.
Ayon pa sa pangulo, huwag daw dapat pahirapan ng AMLC ang pamahalaan at kung gagawin nila ito ay ang AMLC ang kanyang mahihirapan
Noon anyang kandidato pa lamang siya ay isang senador ang nagsabi na mayroon siyang P211 Million bank deposit subalit hindi naman siya inimbestigahan.
Samantala, naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na makakatulong ang mensahe ng pangulo para mapadali ang koordinasyon ng NBI sa AMLC.
Sinabi ni Aguirre, dahil naihain na rin ng NBI ang reklamo sa DOJ kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot ni Senador Leila de Lima sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid, wala na rin umanong magiging dahilan ang AMLC para hindi ibigay ang impormasyon na hinihingi ng NBI.
0 Mga Komento