Duterte, pasok sa Top 10 ‘Most Talked About Topics’ in 2016 sa Facebook

Pasok ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang halalan sa Pilipinas noong Mayo sa pinakapinag-usapan sa taong 2016 sa sikat na social networking site na Facebook.

Sa kanilang top ten “most talked about topics in 2016”, pang-lima sa listahan si Duterte at ang presidential election.

Nangunguna naman sa top ten ang US presidential election; pangalawa ang Brazilian politics; pangatlo ang Pokemon Go; pang-apat ang Black Lives Matter habang nasa ika-anim na pwesto ang Olympics.

Pasok din sa number seven ang Brexit, ang Superbowl, si David Bowies at Muhammad Ali.

Ayon sa pamunuan ng Facebook, pinag-basehan nila ang “frequency” o gaano kadalas pinag-usapan ang nasabing isyu mula January 1 hanggang November 27, 2016.

Inilarawan naman ni Facebook founder Mark Zuckerberg ang taong 2015 bilang “difficult year for a lot of people around the world.”

Pero sa kabila nito, naniniwala si Zuckerberg na sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari ngayong taon, nagkakaroon pa rin ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento