Mistula umanong ‘santo’ ang naging pakiramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte nang puriin ni US President-elect Donald Trump ang kanyang kampanya kontra sa iligal na droga sa bansa.
Nitong nakalipas na linggo, nagkausap sina Pangulong Duterte at Trump sa pamamagitan ng telepono kung saan sinuportahan umano ng huli ang kanyang illegal dr*ugs campaign.
Paliwanag ni Duterte, sa isang okasyon na sponsored ng UN, malaking pagbabago ang papuri na kanyang tinanggap kay Trump sa naunang pagbanat sa kanya ng papalitan nitong administrasyon.
Sa naturang pag-uusap, ikinwento rin aniya ni Trump sa kanya ang problema ng Amerika sa pagpasok ng Illegal immigrants mula sa Mexico.
Tiniyak din aniya ni Trump na magpapatuloy ang ugnayan ng Amerika at Pilipinas.
Inimbitahan rin siya aniya ni Trump na magkape, sakaling magtungo ito sa Amerika pagdating ng panahon.
0 Mga Komento