Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ng mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC), nanindigan ang mga commissioners ng ahensya na hindi sila aalis sa pwesto.
Sa ipinatawag na press conference sinabi nina ERC Commissioners Alfredo Non, Ina Asirit at Gloria Victoria Taruc na nagkaisa sila sa pasyang huwag magbitiw.
Ayon sa tatlong commissioner ng ERC, hindi makabubuti para sa ERC kung lahat sila ay sabay-sabay na magbibitiw.
Dagdag pa ng mga opisyal, magmumukha silang guilty kung sila ay magre-resign pero aminadong mapagbibintangan naman silang kapit-tuko kapag nanatili sa pwesto.
Magreresulta din umano ng “vacuum” sa mga trabaho sa ERC kung magbibitiw sila lahat dahil wala namang papalit sa kanila.
Sa halip nanawagan ang mga commissioner na isang partial na imbestigasyon sa pagpapakamatay ni Director Francisco Villa Jr..
Ayon kay Commissioner Taruc, nauunawaan naman nila kung ano ang pinanggalingan ng pahayag ng Pangulong Duterte pero sana ay magkaroon ng patas na imbestigasyon.
Handa umano silang magpa-imbestiga para malinis din ang kanilang pangalan at ang institusyon.
0 Mga Komento