Pangulong duterte masama ang pakiramdam kaya di na naka attend sa family photo ng APEC summit

No-show si Pangulong Rodrigo Duterte sa family photo na isa sa traditional feature ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na ginaganap sa Lima, Peru.

Isinagawa ang photo-op ala una ng hapon sa Lima, Peru at alas 2:10 ng madaling araw ng Lunes, November 21, oras sa Pilipinas.

Sa halip, si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Perfecto Yasay ang kumatawan kay Duterte para sa family photo.

Makikita sa larawan si Yasay na nasa second row at napapagitnaan nina Russian President Vladimir Putin at Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill.

Suot ng mga lider ng iba’t ibang mga bansa ang tradisyunal na Peruvian shawl.

Present din sa nasabing family photo sina US President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping at Canada Prime Minister Justin Trudeau.

Hindi rin nakadalo si Pangulong Duterte sa gala dinner at si Yasay din ang kumatawan sa kaniya.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, masama ang pakiramdam ng pangulo kaya wala ito sa dalawang importanteng event ng APEC.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento