MIAA General Manager Ed Monreal Nagbabala sa mga empleyado at nagpaalala sa Pasahero

Nagbabala si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Villanueva Monreal sa mga airport staff na maari silang matanggal kapag nanghingi sila ng regalo sa mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon kay Monreal kapag may nanghingi ng regalo ay papatawan ito ng disciplinary action at hindi na ito aabutin ng Pasko bilang empleyado.

Dagdag pa ni Monreal na walang problema sa pagbati ng mga personnel ng “Merry Christmas” basta wala itong intensyon na manghingi ng regalo.

Kaugnay nito, inaasahan na mas lalong maghihigpit sa seguridad dahil magde-deply ang MIAA ng karagdagang 97 na security personnel sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni Monreal na ipina patupad ngayon ang two-minute waiting time sa mga taong susundo sa mga pasahero sa airport dahil sa inaasahang mas mabigat ng daloy ng trapiko sa holiday season.

Dagdag pa dito, ayon kay Monreal ay ipapatupad din ang “slot management system” para sigurihin na makakalis ang mga eroplano sa nakatakdang oras.

Nakikipag-ugnayan na ang MIAA sa Villamor Airbase para payagan ang mga pasahero na makadaan at mabawasan an gang traffic congestion partikular sa Andrews Avenue.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento