Subpoena laban kay De Lima, ilalabas na ng DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ilalabas na sa papasok na linggo ang subpoena laban kay Senadora Leila de Lima.

Ayon kay Aguirre, ang naturang subpoena kay de Lima ay para sa preliminary investigation ukol sa dr*ug trade sa New Bilibi Prisons o NBP, partikular noong panahong kalihim pa ng DOJ ang ngayo’y senadora.

Bukod kay de Lima, sinabi ni Aguirre na may iba pang respondents na sinubpoena para humarap sa pagsisiyasat na hinahawakan ng 5-man panel of prosecutors.

Muli namang sinabi ni Aguirre na ang pag-amin ni de Lima na kanyang pakikipag-relasyon noon sa kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan ay magpapalakas sa mga kaso laban sa lady solon.

Sa report naman na nahuli na raw si Dayan, walang naibigay na kumpirmasyon si Aguirre.

Pero gaya umano ng kanyang pahayag noon, may politiko raw na nagkakanlong kay Dayan.

Matatandang nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Dayan dahil sa kabiguan niyang dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa kabila ng subpoena.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento