Dating kongresista kinasuhan dahil sa pork barrel scam

Pormal nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Isabela Rep. Anthony Miranda at pitong iba pa dahil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF noong 2007.

Pinagharap ng Ombudsman ng 2-counts ng kasong graft at malversation si Miranda maging ang mga opisyal ng Technology Resource Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Marivuc Jover, Belina Concepcion, Francisco Figura at kasama sina Domingo Mamauag at Edison Sabio.

Sa magkakahiwalay na charge sheets, sinabi ng Ombudsman na si Miranda ay naglaan ng kanyang PDAF noong January at February 2007 sa Aksyon Makamasa Foundation Inc o AMFI na ang dating mambabatas din ang nangangasiwa kasama sila Mamauag at Sabio bilang project partners para sa implementasyon ng kanyang livelihood projects sa distrito.

Ang halaga sa umano’y anomalya ay mahigit 20 million pesos.

Ibinisto pa ng Ombudsman na hindi ito dumaan sa public bidding, at hindi accredited ang AMFI para magpatupad ng proyekto.

Nabisto rin ng anti-graft body na non-existent ang mga proyektong sinasabing pinondohan ng PDAF ni Miranda.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento