Black Propaganda laban sa Pangulo Halata na Masyado ng Bayan

Maraming Pilipino pa rin ang naniniwala sa ipinangakong pagbabago ni Duterte. Bumaba man ang performance at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng 2017 ayon sa pinakahuling Pulse Asia Survey, maraming Pilipino pa rin umano ang naniniwala at umaasa sa pagbabagong ipinangako ng nito.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, makikita umano sa numerong natanggap ni Pangulong Duterte na kakaunti lamang sa mga Pilipino ang nagabago ang pananaw sa punong ehikutibo sa gitna ng mga batikos na natatanggap nito mula sa mga indibidwal o grupo na nagnanais na i-destabilize ang administrasyon.

“This only shows that no amount of black propaganda can weaken the foundation of President’s Duterte’s support and that is the people’s collective desire for true and meaningful change,” ani Nograles.

Aminado naman din ang kongresista na may mga negatibo ang pananaw hinggil sa giyera kontra iligal na droga, agresibong foreign policy at anti-corruption crusade ni Pangulong Duterte.

Ito aniya ang siyang mga lumilikha ng resistance sa pagbabagong ninanais ng chief executive.

Subalit sa kabila raw ng mga ito, patuloy na nagpapakita ang rating na natatanggap ng Pangulo na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais na makita agenda nito sa pagbabago.

“From day one, the President has been very candid; he admitted that times will be challenging and the road ahead will be bumpy. Change will have its consequences. But I believe that is why people trust him; because he is brutally frank and makes no inhibitions,” sambit ng kongresista.

Gayunman, nagpapatunay lamang din daw ang latest poll numbers na nananatiling malakas ang mandato ng Pangulo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento