Grupo ng Immigration officer sa bansa nanawagan na pakinggan sila ni Pres. Duterte

Nanawagan ang Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Ayon kay Lerma Abesamis, Director ng nasabing grupo, na dapat tignan ng pangulo ang kanilang kalagayan para na rin sa kapakanan ng mga paliparan sa bansa.

Iginiit nila ang pagkuha nila ng overtime pay mula sa Express Lane Fund ay ligal at may batas na nagsasaad dito.

Ang nasabing Express Lane Fund ay binabayaran ng mga airline companies sa bansa.

Sa ngayon ay nakabalik na ang ilang mga immigration officers na matapos na lumiban dahil sa kawalan ng pamasahe at pagkakadismaya sa hindi naibigay na overtime pay.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento