Ilang lugar sa Batangas isolated na dahil sa lindol

Patuloy sa pagtanggap ang lokal na pamahalaan ng Batangas kaugnay sa naganap na magnitude 6 na lindol kaninang 3:09 ng hapon.

Sinabi ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na nagkaroon ng pagguho sa maliit na bahagi ng Mount Maculot sa bayan ng Cuenca pero wala namang naitalang nasaktan o namatay sa pangyayari.

Gumuho rin ang may limang mga bahay at seawall sa Brgy. Ligaya sa bayan ng Mabini kung saan ay nauna nang nai-report na nagkaroon rin ng sira ang Hotel Camp Netanya na nagresulta sa pagkakasira ng tatlong mga sasakyan na nabagsakan ng mga debris.

Hindi naman madaanan ng lahat ng mga uri ng sasakyan ang Brgy. Dela Paz at Ilijan sa Batangas City dahil sa landslide.

Naireport na rin ng PDRRMC na nagkaroon ng bahagyang pinsala ang Basilica of the Immaculate Concepcion Parish sa nasabing lungsod.

Inililikas na rin ang mga pasyente sa Taal Polymedic dahil sa pagkakaroon ng damage sa gusali ng pagamutan dahil sa lindol.

Nanawagan naman ng dagdag na tulong sa Philippine Red Cross ang lokal na pamahalaan ng Mabini dahil sa dami ng mga pasyenteng kailangang ilabas ng gusali mula sa Mabini General Hospital dahil sa mga bitak na nilikha ng pagyanig.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento