Mga lider ng Simbahang Katoliko muling binatikos ni Duterte

Makaraang banatan ang ilang media oufits ay sinunod naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbatikos sa mga pari.

Bukod sa pagiging busy sa mga koleksyon sa loob ng simbahan, sinabi ni Duterte na paraming pari ang ipokrito dahil sa mga ginagawa nilang kasalanan sa likod ng kanilang bokasyon.

Inihalimbawa ng pangulo ang pagkakaroon ng ikalawang koleksyon na nagiging ugat lang umano ng katiwalian sa mga lider ng simbahan.

Sinabi rin ng pangulo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagkakaroon ng girlfriend o kaya ay kabit ng ilang mga pari.

Mistulang kinukunsinti rin umano ng mga ito ang mga drug personalities sa bansa dahil sa pagbatikos nila sa anti-war drug campaign ng pamahalaan.

Idinagdag pa ng pangulo na hindi siya natatakot sa mga batikos sa kanya ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento