Binalaan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang publiko laban sa “authoritarianism” sa ilalim ng Duterte administration.
Kaugnay ito ng intensyon ni Duterte sa pagpapaliban ng barangay elections at pagtatalaga na lang ng mga magiging kapalit nito.
Ayon kay Bacani na naging miyembro ng 1986 Constitutional Commission ay unti-unting nagkakaroon na authoritarian government ang gobyerno.
Dagdag pa ni Bacani na huli aniya ay magiging diktador si Duterte.
Aniya ang pag-apponit sa mga barangay officials ay labag sa basics ng “elementary democracy.”
Giit pa niya na sa barangay tayo unang pumipili ng mga lider.
Nakasaad aniya sa batas na ang taumbayan ang pipili at hindi ang Pangulo.
0 Mga Komento