May nakatakda na umanong pag-uusap ang kampo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng pamahalaan para ayusin ang relasyon ng simbahan at ng gobyerno.
Pero ayon sa CBCP, ang ang mga gabinete lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang makakaharap at wala pang nakatakdang petsa.
Una rito, sinabi ng CBCP na handa nilang ayusin ang relasyon ng Duterte administration at ng simbahan sa pamamagitan ng isang dayalogo.
Pero iginiit pa rin ng CBCP na tutol sila sa drug war ng kasalukuyang administrasyon.
Ang nais daw ng simbahan ay ayusin muna ang justice system ng bansa para managot ang mga tunay na nagkasala sa paglaganap ng droga at hindi ang mga mahihirap at inosente ang nagdurusa.
0 Mga Komento