Nahaharap ngayon sa graft at plunder complaints si dating Pangulong Benigno Aquino III at anim pang mga opiyal sa kanyang administrasyon.
May kaugnayan ang pagsasampa ng mga kasong ito sa umano’y shipment ng $141 billion halaga ng ginto sa Thailand.
Kabilang sa kinasuhan ay sina dating Justice Secretary Leila de Lima, dating Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr., dating Finance Secretary Cesar Purisima, Treasury Department chief dealer Lorelei Fernandez at Sen. Franklin Drilon.
Inihain ang nasabing mga reklamo batay sa kumalat sa social media na BSP circular.
Batay sa umano’y BSP circular, aabot sa humigit kumulang 3,500 metric tons ng ginto ang na-ship at diniposito sa Bank of Thailand.
Ayon sa mga complainants na sina Rogelio Cantoria at Atty. Fernando Perito, maaring makuha muli at maibalik sa BSP ang naturang mga ginto kung ang mga ito raw ay legal na naiproseso.
Nakasaad sa umano’y BSP circular, may bigat na 12.5 kilogram per bar ang mga gold bars na may purity daw na 99.999 percent.
Inaprubahan daw nina Aquino, De Lima, Roxas, Tetangco, Drilon at Purisima ang certification ng shipment noong Disyembre 2014.
Magugunita na napagkasunduan ng Centennial Energy Company ng Thailan at ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Aquino administration na makapagpalabas ng mga pondo kapalit ng naturang mga gold bars na siyang gagamitin naman daw para sa mga humanitarian projects.
0 Mga Komento