Duterte sa CHR at simbahan: ‘Kayo ang maghanap sa drug pushers-users’

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mismong Commission on Human Rights (CHR) at ang liderato ng Simbahang Katolika na sila mismo ang maghanap ng drug addicts na laganap sa buong bansa.

Ito ay upang ang nasabing mga grupo ang manghikayat at kumumbinsi sa drug pushers at addicts na itigil na ang kinasangkutan nilang iligal na gawain bago pa sila malagay sa peligro.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang walang humpay na banat ng kanyang mga kritiko kaugnay ng pinaigting na anti-illegal drugs campaign na ikinasawi ng mahigit 6,000 katao.

Sinabi ni Duterte na tungkulin nito na pangalagaan ang seguridad ng taong-bayan laban sa anumang kapahamakan lalo na ang masamang epekto ng iligal na droga.

Unang binatikos ni Duterte ang liderato ng simbahang Katoliko, CHR at ang ilang mga politiko na tumuligsa sa kanyang matapang na pagtigil ng illegal drug trade kung saan marami ng high profile suspects ang binawian ng buhay dito sa bansa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento