Robredo pumalag sa pahayag ni Duterte kontra sa human rights

Hindi nagustuhan ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ‘humanity’ ang mga kriminal.

Iginiit ni Robredo na likas na sa bawat isa ang karapatan ang bawat tao at walang sinuman o anuman ang makapag-aalis ng nasabing karapatan.

Ipinahayag ni Duterte na walang ‘humanity’ ang mga kriminal bilang tugon sa ulat ng Human Rights Watch na ang giyera ng pamahalaan kontra droga ay giyera kontra sa sangkatauhan.

Sinabi ni Robredo na hindi maaaring isantabi na lamang ang ulat na ito dahil hindi naman aniya isolated report ito at mula rin ito sa isang independent body.

Magugunitang nauna nang naglabas ng ulat ang Amnesty International na maituturing na extrajudicial killings ang mga napapatay ng  pulisya sa mga operasyon kontra droga.

Kanina ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang makakapigil sa pagtutulak ng pamahalaan para sa parusang bitay.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento