LP naghahanda na para sa susunod na eleksyon

Inamin ni Vice President Leni Robredo na pinalalakas nila ang Liberal Party hindi lamang bilang pulitikal kundi isang multi-sectoral party.

Sa kanyang ipinatawag na press conference, sinabi ni Robredo na kamakailan ay sumalang sa strategic planning ang mga party members kung saan ay dumalo rin sa event si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Aminado namana ng opisyal na kakaunti lamang ang dumalo sa nasabing pagpa-plano dahil sa umano’y pagiging busy ng karamihan sa kanilang mga kapartido.

Hindi naman direktang sinagot ni Robredo kung may kaugnayan ito sa kanilang paghahanda sa susunod na eleksyon.

Magkakaroon rin umano ng re-organisasyon sa kanilang grupo sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Kiko Pangilinan.

Magugunitang maraming mga LP members na kinabibilangan ng mga local officials ang lumipat sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya’y maupo sa pwesto noong July 1, 2016.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento