Sundalo nakikipagbakbakan sa mga NPA sa Cagayan

Patay ang isang sundalo matapos ang pakikipagbakbakan sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Cagayan.

Kinumpirma ni Lt. Col. Rembert Baylosis, commander ng 17th Infantry Battalion ng Army na nakasagupa nila ang mga armadong kalalakihan sa Barangay Balanni, Santo Niño.

Hindi pa pinangalanan ni Baylosis ang nasawing sundalo dahil ipapaalam pa sa pamilya nito ang nangyari.

Ani Baylosis, nagsasagawa lamang ng “security operation” ang tropa malapit sa boundary ng Rizal at Santo Niño nang makaharap ng mga sundalo ang mga hinihinalang rebelde.

Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan at matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga hinihinalang NPA.

Pinaniniwalaan namang nagtamo rin ng casualties ang mga rebelde dahil may mga bakas ng dugo na nakita sa kanilang dinaanan.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento