Lahat ng SAF 44, bibigyan ng Medal of Valor ni Pangulong Duterte

Nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit dalawa lamang sa 44 na nasawing Special Action Force (SAF) commandos sa operasyon sa Mamasapano ang nakatanggap ng Medal of Valor.

Dahil dito, inatasan ni Pangulong Duterte si Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa na siyasatin ang mga records ng mga naptay na SAF members.

Hinihingi ng pangulo ang resulta ng pagsisiyasat ni Dela Rosa sa katapusan ng buwan, at i-rekomenda ang pagbibigay ng Medal of Valor sa lahat ng mga nasawi kung sa tingin niya ay karapatdapat ang mga ito sa parangal, dahil ibibigay niya ito.

Ngayong araw, January 25 gugunitain ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano incident, at kahapon, nakausap ng pangulo ang pamilya ng mga nasawing SAF troopers.

Isang ama naman ng nasawing commando ang humiling kay Duterte na ideklarang National Memorial Day ang January 25 bilang paggunita sa SAF troopers.

Tiniyak naman ng pangulo na magdedeklara siya ng isang araw bilang “Day of Remembrance” para sa mga SAF troopers, sa halip na National Memorial Day para maiba naman.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento