Nasa pangangalaga na ngayon ng Chinese Coast Guard ang dalawang mangingisdang Pinoy na ang bangka ay lumubog malapit sa Scarborough Shoal.
Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard spokesman Commander Armand Balilo.
Ayon kay Balilo patungo na sa Bajo De Masinloc ang kanilang BRP Tubbataha para sunduin ang dalawang Pinoy na nasa Chinese Coast Guard Ship 3301.
Ang dalawang mangingisda ay kabilang sa mga sakay ng “FB Antalan Tabat” na napaulat na nawawala noong November 21.
Kasunod nito sinabi ni Balilo na sa kabila ng awayan sa teritoryo maasahan ang Chinese Coast Guard sa panahon ng pangangailangan./Jan Escosio
0 Mga Komento