Ombudsman, inutusan si dating Pangulong Aquino ukol sa DAP

Inutusan ng Office of the Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pa na magkomento hinggil sa motions for reconsideration o MR na inihain ng mga complainant kaugnay sa imbestigasyon sa Disbursement Acceleration Program o DAP

Batay sa rekord ng Ombudsman, noong March 17, 2017 ang naghain ng MR ang complainants sa pangunguna ni BayanMuna PL Rep. Carlos Isagabi Zarate, maging si dating DBM Secretary Butch Abad na kumukwestiyon a desisyon ng anti-graft body noong March 7, 2017.

Sa naturang desisyon, nakitaan ng Ombudsman ng probable cause para ireklamo si Abad dahil sa paglabag sa Article 239 Usurpation of Legislative Powers ng Revised Penal Code.

Pero si Aquino ay nilinis ng Ombudsman mula sa DAP charges, kahit siya ang pangunahing inaakusahan.

Nag-ugat ang kaso sa paglalabas ni Abad ng National Budget Circular (NBC) No. 541, noong Aquino administration, na nagbunsod sa implementasyon ng kontrobersyal na DAP na aabot sa 72 billion pesos.

Batay pa sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang naturang circular ay labag sa batas dahil mistulang sinakop ang kapangyarihan ng Kongreso na i-modify ang mga probisyon sa savings sa 2012 General Appropriations Act o GAA .

Taong 2014 nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP, at ipinatigil ang implementasyon nito.

Binigyang naman ng Ombudsman sina Aquino, Abad at iba pang partido na maghain ng komento sa loob ng labing limang araw.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento