Patunay lamang ang mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN na siya ay mapaghiganti.
Itinuturing ni Sen. Leila de Lima na “unprecedented” at “condemnable” ang mga sunud-sunod na banat ni Duterte sa dalawang media organizations kamakailan sa kaniyang mga talumpati.
Ayon kay De Lima, lumalabas na hinuhugot ni Duterte ang kaniyang mga banat mula sa mga naunang hindi magandang karanasan o ulat ng mga media outfit laban sa kaniya.
Ang tinutukoy ni De Lima ay ang mga pinakahuling pambabatikos ni Duterte sa Inquirer at sa ABS-CBN nang bumisita siya sa Armed Forces Western Command sa Camp Gen. Artemio Ricarte sa Palawan.
Dito niya sinabi na may mga utang na buwis umano ang mga may-ari ng Inquirer sa pamamagitan ng donut shops chain na pag-aari din nito.
Hindi naman aniya ipinalabas ng ABS-CBN ang airtime na kaniyang binili para sa kaniyang kampanya noong nakaraang taon, at sa halip ay ang propaganda ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ipinalabas nito.
Ani De Lima, ipinakita lamang ni Duterte na siya ay mapaghiganti at ginagawa niyang personal ang lahat ng bagay, habang inaasahan ang mga tao na masanay na lang dito.
0 Mga Komento