Sotto: Duterte admin wala pang kapalpakan

Walang dapat ikabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng Pulse Asia survey, ayon sa beteranong mambabatas Sen. Vicente “Tito” Sotto III.

Sinabi ni Sotto sa isang pulong balitaan ngayong Huwebes na wala pang “blunder” ang administrasyon ni Duterte ngunit mayroong mga kamalasan.

Sinabi ito ng senador kasunod ng pinakabagong resulta ng Pulse Asia kung saan bumaba ang trust rating ni Duterte, siyam na buwan mula nang maupo sa pwesto.

Bumaba sa 78 percent at 76 percent ang performance at trust rating ng Pangulo sa survey na ginawa nitong nakaraang buwan.

Dinepensahan din ni Sotto ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Duterte na matagal nang problema ng bansa.

Aniya tanging si Duterte lamang ang pangulo na gumawa ng hakbang upang masugpo ito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento